Sinimulan na ng Department of Budget and Management ang pamimigay ng Midyewr bonus sa mga kawani ng gobyerno.
Kasama sa makatatanggap ang mga sundalo at uniformed personnel
Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman, katumbas ito ng isang buwang basic pay.
Ayon kay Pangandaman, ang kabuuang budget para sa 2025 midyear bonus ay P63.695 bilyon.
Sa naturang halaga, ang P47.587 bilyon ay para sa civilian personnel, habang ang P16.108 bilyon ay para sa mga sundalo at uniformed personnel.
Ayon kay Pangandaman, simula pa noong Enero ng kasalukuyang taon, ay naibaba na ng DBM o sa mga implementing agencies ang budget para sa midyear bonus ng kanilang mga kawani.
Kaya panawagan ni Pangandaman sa mga head of agency at mga lokal na pamahalan, ibigay na ang bonus sa lalong madaling panahon.
Sa ilalim ng Budget Circular Number 2017-2, ang midyear bonus ay para sa lahat ng posisyon para sa civillian personnel, regular, casual, contractual, appointive o elective, ful time o part time sa sangay ng ehekutibo, lehislatura, at judiciary.
Kabilang din sa makatatanggap ng bonus ang mga kawani ng constitutional commissions at iba pang constitutional offices, State Universities and Colleges, at Government-Owned or -Controlled Corporations na saklaw ng Compensation and Position Classification System at sa local government units.
