Tiniyak ni Cong. Brian Yamsuan na ang kanyang platapormang H.O.P.É para sa pagbabago ay may kaakibat na agarang aksyon at magbubunga ng pagtataas ng kalidad ng serbisyo publiko sa mga taga-Distrito Dos ng Parañaque City.
Ang platapormang H.O.P.E. ni Yamsuan ay sumisimbolo sa kanyang mga prayoridad na
Health, Opportunities, Peace and order at Education.
Si Yamsuan, ang kasalukuyang representante ng Bicol Saro Partylist sa Kongreso; ay tumatakbo na isang independent candidate bilang kinatawan ng Distrito Dos ng
Parañaque sa darating na halalan sa Mayo.
Ayon kay Yamsuan, ang kanyang plataporma ay nakasentro sa paghahatid ng de-kalidad at abot-kayang serbisyong pangkalusugan; pagbibigay ng oportunidad para sa trabaho at livelihood; pagtitiyak ng katahimikan at kapayapaan; at pagpapalawak ng access sa edukasyon para sa mga taga-Distrito Dos ng Parañaque.
Binigyang diin ni Yamsuan na serbisyong tapat at dapat ang hatid niya at ng kanyang Team Pagasa na kinabibilangin din ni Benjo Bernabe na tumatakbo bilang vice mayor ng Parañaque, at sina Coach Binky Favis at Tess de Asis na tumatakbo namang mga konsehal sa nasabing lungsod.
Ngayon pa lamang ay maraming nailatag at naipatupad na sa ilalim ng kanyang HOPE
• platform si Yamsuan, na halos 25 taon ng naninirahan ng BF Homes, Parañaque.
Ilan dito ay ang kanyang Extra Rice Program na umabot na sa libu-libong katao sa Distrito Dos ang natulungan; ang Sustainable Livelihood Program o SLP na may pandagdag-puhunang P15,000 sa bawat kwalipikadong benepisyaryo; at ang Bigay Negosyo Program na magkakaloob ng mga food cart sa mga nagnanais at kwalipikadong magtayo ng mga micro business.
Naghahatid rin ng medical assistance at nakapagsagawa na ng mga Be Healthy, Be Happy medical missions si Yamsuan para sa mga taga-Distrito Dos. Maaga namang umiikot ang Yam Meals Food Truck ni Yamsuan na namimigay ng mainit at masustanyang lugaw, sopas at “Yamburger” sa mga taga-Distrito Dos.