Breaking News

Bollards sa NAIA pinaiimbestigahan ni PBBM

Inatasan na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga kinauukulang ahensya na imbestigahan kung nakapasa sa safety standards ang mga bollards na nakakabit sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1.

Ito ay matapos ang malagim na trahedya sa NAIA nang araruhin ng SUV ang pedestrian na ikinasawi ng dalawa katao.

Ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, ikinabit ang mga bollard noong 2019 sa panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at dating Transportation Secretary Arthur Tugade.

“Nakakalungkot po na may mga nasawi dahil sa di umano’y depektibong bollard na na-install sa NAIA Terminal 1,” pahayag ni Castro.

“Pina-iimbestigahan na po kung paano ang naging procurement pati na ang specifications sa pag-uutos ng Pangulo,” pahayag ni Castro.

“At ito’y tutugunan kaagad-agad ni Secretary Vince Dizon. Pati po ang pag-inspect sa mga bollard at mabilisang pagpapalit nito para sa safety po ng nakararami,” dagdag ni Castro.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *