Breaking News

GAMING REVENUE NG BANSA PUMALO SA PHP372.33-B NOONG 2024 – PAGCOR

 

UMABOT sa Php372.33 bilyon ang gross gaming revenue (GGR) ng bansa noong 2024 – mas mataas ng 30.52% kumpara sa Php285.27 bilyong naitala noong 2023, ayon sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

Kung isasama rito ang Php38.14 bilyong kinita mula mula sa offshore gaming operations na ipinagbawal noong huling bahagi ng 2024, aabot sa Php410.47 bilyon ang kabuuang kita ng buong industriya.

Ang mga land-based casino pa rin ang nangungunang pinagkukunan ng kita sa industriya, na may Php201.83 bilyon o 54.20% ng kabuuang GGR.

“This GGR feat underscores the crucial role of licensed casinos in sustaining the growth momentum of the Philippine gaming sector,” ani PAGCOR Chairman and CEO Alejandro H. Tengco. “They remain our biggest revenue drivers and a major source of government funding for socio-civic programs.”

Bukod sa land-based operations, malaki rin ang itinaas ng kita mula sa E-Games at E-Bingo segment na umabot sa Php154.51 bilyon noong 2024 – tumaas ng 165.66% mula sa Php58.16 bilyon noong 2023.

Sa kasalukuyan, 41.51% ng kabuuang GGR ay mula sa segment na ito.

“The significant leap in E-Games and E-Bingo revenues shows that the industry is evolving rapidly. PAGCOR is committed to keeping pace with technological advancements while strongly advocating responsible gaming,” dagdag pa ni Chairman Tengco.

Samantala, ang mga casino na pinatatakbo mismo ng PAGCOR ay nag-ambag ng Php15.97 bilyon, katumbas ng 4.29% ng kabuuang GGR.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *