Breaking News

Kiko Pangilinan on Negros Clash

By Lane Afable, News Editor

Bilang tatay at bilang dating aktibista, napakasakit na may labinsiyam na Pilipino ang nasawi sa Toboso, Negros Occidental, noong April 19. At ilang komunidad din ang napilitang lisanin ang kanilang mga mga tahanan sa takot.

Pagkalungkot-lungkot ang pagdanak ng dugo, lalo ng Pilipino sa kapwa Pilipino, sa ngalan man ng ideolohiya o estado.

Sinusuportahan natin ang isang maagap, independent, at credible na imbestigasyon sa kung ano ang tunay na nangyari sa Salamanca. Gusto nating i-establish ang buong katotohanan, linawin ang katayuan ng mga namatay, at panagutin ang sinumang maaaring lumabag sa batas.

Ang Republikang pinoprotektahan ang pambansang seguridad ay Republikang pinoprotektahan ang dignidad ng taumbayan.

Araw-araw, nakikipaglaban ang maraming pamilyang Pilipino sa gutom at kawalan ng trabaho, lalo na’t meron pa ring krisis sa Hormuz at patuloy pa rin ang panghaharass sa ating mga mangingisda sa West Philippine Sea.

Bilang isang magulang at bilang isang mamamayan, dasal ko na wala ng ibang pamilya — ng sundalo o ng sibilyan — ang maglilibing pa ng kanilang mahal sa buhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *