Breaking News

Las Piñas nagsagawa ng Kasalan Bayan, 102 couples sabay-sabay na ikinasal

Sa pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan at ika-27 na anibersaryo ng pagkakatatag bilang lungsod ang Las Piñas, nag-organisa ang lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) ng mass wedding nitong Marso 22.

Pinangasiwaan ni Vice Mayor April Aguilar ang naturang seremonya ng sabay-sabay na pag-iisang dibdib ng 102 na magsing-irog, na ginanap sa Verdant Covered Court sa Barangay Pamplona Tres sa lungsod.

Ang Kasalan Bayan ay parte ng mga inisyatiba ng lokal na pamahalaan ng Las Piñas na magbigay ng mga serbisyong panglipunan na madaling makukuha ng mga residente nito.

Malugod na ipinahayag ni Vice Mayor Aguilar ang kahalagahan ng magagandang katangian para pagyamanin ang relasyon o pagsasama lalo na sa mag-asawa hanggang sa pagbuo ng kanilang pamilya.

Sa isinagawang mass wedding, ang Pamahalaang Lungsod ng Las Piñas ay hindi lamang nagbigay ng hindi malilimutang karanasan sa mga bagong kasal kundi nagpalakas din ng tungkulin nitong suportahan ang matatag na pundasyon ng pamilya kung saan ang magagandang katangiang ito ang makatutulong sa kaunlaran ng komunidad.

About The Author

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *