Natulungan ang daan-daang kuwalipikadong Las Pineros sa cash for work payout na isinagawa ng Pamahalaang Lungsod ng Las Piñas sa pangunguna ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO), sa Sterling Life Homes Covered Court sa Barangay Pamplona Dos.
Layunin ng kaganapan na bigyan ng pinansiyal na tulong at suporta ang mga miyembro ng komunidad na lumahok sa programa.
Nagpakita naman ng kanilang suporta sina nina Vice Mayor April Aguilar at Councilor Mark Anthony Santos sa inisyatibang ito ng lokal na pamahalaan para sa kapakinabangan ng mga residente.
Ang pagdalo ng bise-alkalde at konsehal ay nagbigay-diin sa kahalagahan ng programa na magkaloob ng kinakailangang tulong at ugnayan sa komunidad.
Bahagi ang cash for work program sa tuluy-tuloy na mga hakbang ng lokal na pamahalaan upang pagandahin ang kapakanan ng mga residente partikular ang ang mga nangangailangan ng tulong pinansiyal.
Sa pakikisama sa komunidad sa makabuluhang mga proyekto, ang inisyatiba ay hindi lamang nagbibigay ng pansamantalang empleyo kundi nag-aambag ito ng pangkalahatang kaunlaran sa Las Piñas.