Bilang bahagi ng paglulunsad ng programang “Libreng Sakay” ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), isinagawa ang blessing ceremony para sa dalawang bagong bus na magsisilbing transportasyon ng mga commuter upang matiyak ang mas accessible na pagbibiyahe sa gitna ng kinakaharap nating krisis.
Binasbasan pangunguna ni Rev. Fr. Jeff Agustin ng St. Francis of Assisi Parish, ang makabuluhang aktibidad na ginanap sa PCSO Conservatory Building kahapon Lunes, Mayo 4, 2026.
Maglalabas ang PCSO sa official page sa social media para sa mga rutang tatahakin ng mga bus.
Ayon kay PCSO GM Mel Robles nais nilang makatulong sa mga mamamayan hirap sa pag biyahe kaya naghanap sila ng ganitong programa na sa pamamagitan ng Libreng Sakay ng ahensya, maibsan ang hirap ng ating mga kababayan, lalo na ang mga nagsisikap na bumiyahe araw-araw para makapaghanapbuhay. Hangga’t walang kasiguraduhan kung kailan matutuldukan ang pandaigdigang krisis na ito, asahan ninyo ang patuloy naming suporta para sa mga Pilipino.



