Breaking News

Mga OFWs sa HongKong, binalaan sa sindikatong nag-aalok ng surrogacy jobs

 

Nagbigay ng babala ang Philippine Consulate General sa mga OFWs sa Hong Kong lalo na sa mga Migrant Domestic Workers (MDW) laban sa mga sindikato na nagaalok ng surrogacy jobs sa Georgia at ibang bansa.

Batay sa ulat na natanggap ng Konsulado, may sindikato na nagsasamantala sa mga terminated na domestic workers sa Hong Kong para magtrabaho bilang mga surrogate mothers sa Georgia.

Ayon sa Konsulada , may ilang migrant domestic workers ang nakukumbinsing magpanggap bilang isang returning worker sa Hong Kong at, pagkatapos, sila ay dadalhin patungo ng United Arab Emirates at Qatar hanggang makarating sa Georgia.

Dagdag pa ng Konsulada na ang ilan sa kanila pagdating ng Georgia ay nagiging biktima ng panggagahasa at sapilitang pinapalaglag ang kanilang pinagbubuntis.

Mahigpit namang pinapaalalahanan ng Konsulada ang mga naghahanap ng trabaho na tumanggap lamang ng mga trabaho mula sa mga lisensyadong Philippine Recruitment Agencies (PRA) at accredited Hong Kong Employment Agencies upang hindi na mabiktima ng mga surrogacy jobs.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *