Breaking News

Period of national mourning para kay Pope Francis, idineklara ni PBBM

 

Nagdeklara si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng period of national mourning para sa pagpanaw ni Pope Francis.

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), agad na epektibo ang period of national mourning hanggang sa araw ng libing ng Santo Papa sa Sabado sa St. Peter’s Square.

“During this period, the Philippine flag shall be flown at half-mast on all government buildings and installations in the country and abroad,” pahayag ng Malakanyang.

“We join the world in mourning a leader of faith, love and humanity.”

Una nang sinabi ng Malakanyang na dadalo sina Pangulong Marcos at First Lady Liza Marcos sa libing ng Santo Papa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *