Kayo ang pag-asa ng agrikultura ng Pilipinas,” hayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa 43 national awardees ng 50th Gawad Saka sa Muñoz, Nueva Ecija.
Kasabay ng pagkilala sa kanilang mga kontribusyon sa crops, livestock, institutions, at scientist extension and youth cross-cutting categories, ipinagtibay din ni PBBM ang dedikasyon ng pamahalaan na palakasin ang suporta sa mga manggagawa sa sektor. Nakasama niya rin ang mga awardee sa isang Q&A upang ibahagi ang mga programa ng administrasyon.