By Lane Afable, News Editor
“Mabuti na ang may refund order, pero huwag naman sanang pinapaikot tayong mga konsyumer.
“Hangga’t hindi nila nababalik ang buong P100 billion in overcollections, bitin pa iyan lahat.
“Kahit yang P14.17 billion refund na iniutos ng Energy Regulatory Commission (ERC) sa Meralco ay barya lang sa totoong dapat matanggap ng mga konsyumer.
“Sa katunayan, hindi pa nga ito bagong refund scheme.
“Ayon mismo sa ERC, ang P14.17B na ito ay parte ng hindi pa naibabalik na balanse mula sa P19.96 billion refund na nauna nang iniutos noong 2025.
“Ibig sabihin: matagal nang may perang dapat bumalik sa konsyumer. Hanggang ngayon, hinihintay pa rin.
“Mapa P14.17 o P19.96 billion, ang layo niyan sa P100 billion– yan ang totoong halaga ng overcollection ng Meralco, na ayon sa mga advocates, ay mula sa high weighted average cost of capital (WACC), alleged overstatement of Meralco’s regulatory asset base (RAB) to justify higher charges, and possible double counting of inflation since 2012.
“I urge the ERC to lead a full, independent, and comprehensive review of existing practices and rates in relation to Meralco’s collections. And it should not hesitate to order the full refund of excessive charges Meralco has made over the years.
“Bawat araw na hindi naibabalik ng Meralco ang sobra nilang nasingil, nag-aadjust tayo sa mga gastusin sa bahay. Konsyumer na lang lagi ang naghihintay at nag-aadjust.
“Yung refund nila ay hulugan, pero yung napakalaking taas-singil, biglaan lang. Hindi dapat ganyan ang sistema.
“Bago ang kahit anong dagdag, ibalik muna ang sobra at itama muna ang singil,” ani pa ni Senator Risa Hontiveros.
