Breaking News

Taguig City namigay ng mga school supplies at uniporme

 

Bilang paghahanda sa muling pagbubukas ng klase sa darating na Hunyo 16, 2025, sisimulan na ng pamahalaang lungsod ng Taguig ang pamamahagi ng school supplies at uniporme sa mga pampublikong paaralan sa lungsod sa darating na Biyernes, Hunyo 13.

Lahat ng mag-aaral sa Taguig ay makatatanggap ng kumpletong school supplies at uniporme.

Upang matiyak na akma ang sukat ng uniporme, magkakaroon ng mga tagasukat (on-site sizers) sa bawat paaralan. Ang mga uniporme at sapatos na may hindi tamang sukat ay agad na papalitan upang umangkop sa tamang kagamitan na ibabahagi sa bawat mag-aaral.

Pinahahalagahan ng lungsod ng Taguig ang inyong mga pananaw at mungkahi. Hinihikayat namin kayong magbigay ng feedback sa pamamagitan ng QR code sa ibaba o sa link na ito:
https://bit.ly/DistributionOfSchoolUniforms2025FeedbackForm

Hangad namin ang isang matagumpay at makabuluhang panibagong school year para sa lahat!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *