Inaasahan ni Sen. Bong Revilla Jr. na maipasa ang sinusulong nitong batas na Universal Pension para sa mga Senior Citizen.
Ipinanukala ng senador na makakatanggap ng P500 hanggang P1,000 kada buwan ang mga Senior Citizen na may edad mula 60yrs old pataas mula sa Universal Pension.
Dagdag pa nito na hindi mahalaga sa kanya ang manguna sa public survey kundi ang maipagpatuloy pag-gawa ng mga batas na makakatulong sa mamamayan at maipagpatuloy ang pagsisilbi nya sa mga Mamamayang Pilipino hanggang sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs).
Samantala sa pahayag naman nito sa usapin sa impeachment ay handa itong tumalima kung ano ang magiging desisyon ng mayorya basta’t ang mahalaga ay dumaan ito sa tamang proseso.
Gayunman, may agam agam pa rin siya na posibleng abutin pa rin ang paglilitis sa susunod na 20th Congress maliban nalang kung ito ay mamadaliin.(JUSTIN GILDO)