Breaking News

West Philippine Sea hindi na gawa -gawa lamang ayon sa Malakanyang

 

Nanindigan ang Palasyo ng Malakanyang na hindi na gawa-gawa na lamang ngayon ang West Philippine Sea.

Pahayag ito ng Palasyo ng Malakanyang matapos masama sa Google Maps ang WPS.

Ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, nakatutuwa na kasama na sa Google Maps ang WPS.

”Definitely po, masaya po ito, nakakatuwa po ito,” pahayag ni Castro.

“Masaya na makilala ang West Philippine Sea kahit na ang iba ay sinasabing gawa-gawa lamang daw ang West Philippine Sea,” dagdag ni Castro.

Taong 2016 nang manalo ang Pilipinas kontra China sa Permanent Court of Arbitration kaugnay sa pag-angkin ng huli na sa kanila ang buong South China Sea.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *