Courtesy FB page Chi Atienza
Nag post sa Social Media ang running mate ni Isko Moreno na si Chi Atienza matapos na makita niya sa kalsada na may posters silang dalawa ng kanilang kalaban na si Sam Verzosa kandidato naman bilang alkalde ng Lungsod ng Maynila.
Ayon Kay Manila Vice Mayor Candidate Chi Atienza
Paglilinaw lang. Wala po itong permission mula sa akin kaya dapat tinatanggal ang mga ganitong poster! Si Yorme Isko Moreno Domagoso lang po ang alkalde ko!☝🏻PS: sakaling ito ay pinagawa ng aking katunggali, sana’y wag tayo umabot sa ganito at sana’y ilahad na lang ang programa at plataporma.