Ipinatupad na ng Taguig City ang panukalang magbibigay ng 20% discount sa pamasahe sa mga rehistradong solo parents upang mapagaan ang araw araw na pasanin ng mga ito.
Ayon sa Ordinance No. 133 na nilagdaan noong April 16, 2025, ay nakasaad dito na ang lahat ng mga tricycle operator na may prangkisa na inisyu ng lungsod na magbigay ng discount sa mga solong magulang na nagpapakita ng official identification card mula sa City Social Welfare and Development Office
(CSWDO).
Ang ordinansang ito ay nakaangkla sa Expanded Solo Parents Welfare Act (Republic Act No. 11861) na nagpapatibay sa pangako ng Estado na suportahan ang mga magulang na nagpapalaki ng mga anak.
Ang mga mahuhuling lalabag kabilang ang mga driver o operator na tumanggi sa valid ID o tumangging magbigay ng diskwento ay mahaharap sa mga ilang kauukulan na parusa:
* ₱500 para sa unang pagkakasala
* ₱1,500 para sa ikalawang pagkakasala
* ₱2,000 at isang buwang pagsususpinde ng prangkisa para sa ikatlo
* ₱2,500 at posibleng pagbawi ng prangkisa para sa mga sumunod na paglabag
Ayon naman kay Taguig City Mayor Lani Cayetano na sa pamamagitan ng inisyatibo na ito ay gusto nyang iparamdam sa mga solo parents na Taguigeños na hindi sila nagiisa.
Ipinatupad din ng Lungsod ang mga sumusunod na naka-target na inisyatiba kabilang ang:
* Bread and pastry training with starter kits via the Taguig Manpower Training Center (TMTC)
* Job placement support through the Public Employment Service Office (PESO)
* Positive parenting seminars designed for solo parents
* Access to counseling and family support services
* Health and wellness activities during Women’s Month via the Taguig Cooperative Development Office (TCDO)
* Issuance of Solo Parent Certifications for housing aid from the National Housing Authority (NHA) and tuition discounts in partner schools
* Financial assistance under the AICS (Assistance to Individuals in Crisis Situation) program
* Hosting of a Solo Parents Health Summit in partnership with the City Health Office (CHO)
Para gawing moderno ang paghahatid ng mga serbisyo, naglunsad din ang Taguig ng digital Solo Parent ID system na nagtatampok ng mga QR code para sa secure at mahusay na mga transaksyon. Pormal ding nairehistro ng lungsod ang Solo Parent Association nito bilang Civil Society Organization, na nagbibigay ng mga solong magulang ng mas malakas na plataporma para sa pakikipag-ugnayan at adbokasiya.
(JUSTIN GILDO)