Nagkasundo na sina Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon at Bureau of Corrections Director-General Gerald Bantag na matapos ang hidhaan hingil sa pagsasara ng Bucor sa mga daan ng mga residente nakatira malapit dito.
sa FB post ni Mayor Biazon Bumisita sila personal para sa courtesy upang
buksan ang talakayan sa ilang usapin ng mutual interest ng City Government at BuCor.
Mainit ang pagtanggap ni DG Bantag sa aming grupo na kinabibilangan ni City Administrator Allan Cachuela at si Muntinlupa Chief of Police Angel Garcillano.
Una namin napag usapan ang request ng BuCor para sa programa na matulungan ang mga lumalayang Person Deprived of Liberty (PDL) sa pagsimula ng bagong buhay sa pamamagitan ng employment o livelihood assistance.
Sa panig naman ng CGM, binuksan ko ang usapin tungkol sa kalagayan ng mga naninirahan sa may Biazon Road , ang access ng mga students na pumapasok sa Muntinlupa National High School (MNHS) at Pamantasan ng Lungsod ng Muntinlupa (PLMUN) at ang development ng New Bilibid Prison (NBP).
Ako ay natutuwa sa maganda at positibong pagtanggap at tugon ni DG Bantag sa mga concerns na ating pinarating. May mga napagkasunduan kami na hakbang para ma-address ang concerns at makamit ang shared interests at mutual benefit ng CGM at BuCor.
Bago kami naghiwalay, binigyan niya ako ng isang set ng gulok at kitsulyo mula sa Cordillera.