Bilang bahagi ng pagluluksa ng bayan, idineklara ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Abril 22, 2024 bilang National.Day of Mourning.
Ito ay dahil sa pagkamatay ni Superstar at National Artist Nora Aunor.
“Bilang pagbibigay pugay sa husay at kontribusyon ni National Artist for Film and Broadcast Arts Nora Cabaltera Villamayor, idineklara ang Abril 22, 2025 bilang Day of National Mourning,” pahayag ng Presidential Communications Office.
“Ibababa sa half-mast ang pambansang watawat sa lahat ng opisyal na tanggapan ng gobyerno sa Pilipinas at sa mga kinatawan nito sa ibang bansa bilang pakikiramay ng sambayanan,” dagdag ng PCO.
Pumanaw si Aunor sa edad na 71 dahil sa acute respiratory failure.
Una nang dumalaw sa burol ni Aunor si Pangulong Marcos kasama si First Lady Liza Marcos sa Heritage Park sa Taguig..
