Breaking News

‎Oras ng pagboto at pagpapagaan ng trabaho ng mga guro sa halalan, kailangan ng agarang reporma — Cayetano*

‎Hinimok ni Senador Alan Peter Cayetano ang gobyerno nitong Lunes matapos nitong bumoto na magsagawa ng mga reporma upang maging mas epektibo at makatao ang proseso ng pagboto, lalo na para sa mga guro na nagsisilbing mga poll worker.

‎Ayon kay Sen. Alan Peter Cayetano upang mabawasan ang oras sa pagboto kapag may halalan ay kailangan ng mas maraming skwelahan, guro at mas maraming machine.

‎Iminungkahi ng senador na bawasan ang oras ng pagboto mula 7 a.m. hanggang 5 p.m., basta’t may sapat na silid-aralan at mga tauhan.

‎“It really takes a toll on their (teachers’) health. Alas-singko ng umaga, nandito sila, nagpe-prepare na, hanggang matapos ang mga bumoboto at magbibilang pa,” dagdag pa nito.

‎Ayon sa senador, maraming guro ang halos hindi na natutulog dahil nagtatrabaho sila mula madaling araw hanggang hatinggabi.

‎“Halos 24 oras na hindi mo pinatutulog ‘yung mga teachers. ‘Di naman sundalo ‘yung mga ‘yan, nasanay [na tayo] sa ganoon,”

‎Binigyang diin din nito ang patuloy na pagbibigay ng prayoridad ang mga senior citizens, buntis, at PWDs sa mga unang oras ng pagboto.

‎“Y’ung 7 to 9 a.m., o kung gagawin nating 6 to 8 a.m., iyon muna ‘yung mga priority katulad ng senior citizens, mga buntis, at PWDs,”

‎Bagaman kinikilala niya ang mga pagsulong sa teknolohiya at sa bilangan ng mga balota, sinabi ni Cayetano na patuloy pa rin ang mga logistical problems, tulad ng mga technical glitches at matagal na pila sa mga voting centers.

‎“Inabot ko pa na dalawa hanggang tatlong araw bago dalhin sa munisipyo ang mga balota… So having more schools, more teachers, being more tech-savvy, and having more machines — ’yan ang ilang bagay na puwede nating gawin para maging maayos ang pagboto,”
‎(Justin Gildo)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *