Dadalo sii Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Association of Southeast Asian Summit na gaganapin sa Kuala Lumpur, Maysoa sa Mayo 26 hanggang 27.
Ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro. makikibahagi si Pangulong Marcos sa diskusyon sa usaping pang rehiyon na may kinalaman sa ekonomiya, seguridad, at iba pa.
Kamakailan lamang, nagkausap sa telepono sina Pangulong Marcos at Malaysian Prime Minister Anwar Ibrahim.
Ayon kay Castro, makikita naman sa body language at sa pagngiti ng Pangulo na naging maganda ang pag uusap nila ni Anwar kung saan kabilang sa mga tinalakay ang tungkol sa ekonomiya at seguridad na maaaring kaharapin ng ASEAN.
“At kung hindi po ako nagkakamali, nabanggit din po na wini-wish po ni Prime Minister ng good luck ang ating Pangulo sa darating na eleksyon,” pahayag ni Castro.
