Breaking News

PBBM nagpatawag ng spiritual session para sa gabinete

Mismong si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang nagpatawag ng spiritual session para sa mga miyembro ng gabinete.

Isinagawa ang spiritual session sa Malakanyang noong weekend

Ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, si Father Tito Caluag ang nanguna sa spiritual session.

Binigyan ni Father Caluag ng spiritual guidance ang mga miyembro ng gabinete at iba pang opisyal ng gobyerno hindi lamang para sa kanilang pagsisilbi sa pamahalaan o bilang public servants kundi bilang isang indibidwal.

Hindi naman masabi ni Castro kung gaano katagal ang ginawang spiritual session.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *