Binigyan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng direktiba ang mga dam operator na siguruhin ang epektibong pagpapakawala ng tubig upang maiwasan ang matinding pagbahang maaaring idulot ng Tropical Storm #KristinePH.
Sa situation briefing sa NDRRMC Headquarters, iniutos din ni PBBM ang agararang paghahatid ng relief efforts sa Bicol Region sa oras na maaari nang madaanan ang mga kalsada.