Hangad ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ilapit pa ni Cardinal Robert Francis Prevost ang simbahan sa mga mahihirap.
Mensahe ito ni Pangulong Marcos kay Cardinal Prevost matapos hirangin na ika-267 na Santo Papa.
Pinili ni Cardinal Prevost ang pangalang Pope Leo XIV.
Kasabay nito, nagpaabot ng pagbati ang Pangulo kay Pope Leo.
“On behalf of the Philippines, I congratulate Cardinal Robert Francis Prevost of the United States on his election as the successor of Pope Francis and leader of the 1.4 billion-strong Catholic Church,’ pahayag ni Pangulong’ Marcos.
“As the new pontiff, who took the papal name Leo XIV, ascends the Chair of St. Peter and assumes the mantle of Bishop of Rome, I pray that he will continue to bring the Church closer to the poor and disadvantaged.”
Ayon pa sa Pangulo, ang buong sambayanang Filipino ay nagdarasal para sa kalakasan at mabuting kalusugan ng Santo Papa habang kaniyang pangungunahan ang mga mananampalataya nang may wisdom o karunungan at compassion o pagiging maawain.
Ayon sa Pangulo, hangad niya na ang buhay at ministry ni Pope Leo ay magbigay ng inspirasyon sa lahat ng mga Filipino na magpursige sa pang araw- araw na pamumuhay at pananampalataya sa Panginoon at kay Hesukristo.
