May napili na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na baging hepe ng Philippine National Police.
Ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin, ito ay si Police Major General Nicolas Torre III.
Papalitan ni Torre si PNP chief Rommel Francisco Marbil na magreretiro na.
Ayon kay Bersamin, gagawin ang change of command sa Hunyo 2.
Si Torre ang nanguna sa operasyon sa pag-aresto kay Pastor Apollo Quiboloy na Nahaharap sa kasong sexual assault.
Si Torre rin ang nanguna sa operasyon nang arestuhin si dating Pangulong Rodrigo Duterte nang ihain ng International Police ang warrant of arrest. Si Duterte ay nahaharap sa kasong crimes against humanity sa International Criminal Court dahil sa madugong anti-drug war campaign.
