Breaking News

Top 3 most wanted nahuli na.

Matapos ang higit anim na taong pagtatago nahulog na sa kamay batas ang umanoy mastermind sa pag patay kay Domenic Sytin noong November 2018.

Sakay ng air Asia flight AK584 ang suspek na lumapag kahapon ng ika-10:00 ng gabi sa NAIA terminal 3.

Ayon kay PNP spokesman Jane fajardo may nakuha silang impormasyon na nagtatago sa Malaysia ang umanoy utak sa pag patay kay Domenic Sytin ang mismong kapatid nitong si Dennis Sytin.

Agad na nakipag-ugnayan ang PNP sa mga Malaysian Authority para isagawa ang joint operation kung saan naaresto ang suspek nitong nakaraang buwan at hiniling ng PNP na i-repatriates ang suspek pabalik ng Pilipinas para mapanagot siya sa krimen na nagawa niya sa sariling kapatid.

Paliwanag ni fajardo march 2019 nahuli ang gunman sa pag patay kay Domenic at itinuturong nag utos sa kanya ay si Dennis Sytin.

Sinabi ng nahuling suspek na si Oliver Fuentes na may kinikimkim na galit si Dennis Sytin sa kanyang kuya dahil sa kanilang kompanya.

March 2020 nahuli din ang isa pang suspek sa krimen na si Oliver Fuentes at ang itinuturong mastermind ay ang kapatid ng biktima na si Dennis Sytin kung saan mariing naman niyang itinanggi ang akusasyon.

Sinabi din ni pajardo na nag bigay ng sampong million pisong reward ang pamilya ng biktima sa makapagtuturo sa kinaruruunan ng naturang suspect.

Sa ngayon ay nasa kostudeya na ng PNP ang suspek at sa Lunes ay isasagawa ang tamang dokumentasyon para ibabalik ang warrant of arrest sa Manila RTC at maghintay kung kailan ihaharap ang suspek sa hukuman.(JUSTIN GILDO)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *