Kasabay sa Isinagawang pagdiriwang ng Earth Month sa Las Piñas City ay Inilahad dito ang isang komprehensibong plano na makakatugon sa pagbaha sa lungsod.
Batay sa pinakahuling Survey ng Grassroots Analytics Philippines ito ang itinuturing ng mga residente ng Las Piñas na pinakamalubhang isyu na dapat maaksyonan.
Ayon naman sa tumatakbong mayor na si Carlo Aguilar na dapat nang bumuo ng isang malawak na stratehiya upang maisaayos, mapalawak, at magkaron ng modernisasyon ang drainage system ng lungsod na magiging kapaki-pakinabang sa mga residente nito.
Dagdag pa nito na ngayong tag-init ang tamang panahon upang isagawa ang regular na paglilinis ng mga Ilog, Sapa, at Daluyan ng mga tubigk upang masiguro ang malayang pag agos nito.
Kabilang din dito ang pagtatatag ng mas Efficient at Organized na sistema sa pangongolekta ng basura sa mga pangunahing hakbang na dapat na maipatupad.
Pinapaalalahanan naman ng Las Piñas LGU ang mga mamamayan nito na panatilihin malinis ang kanilang mga Estero, Kanal, at Paligid ng sa gayon ay maiwasan na din ang ano mang pagbaha sa kani-kanilang mga baranggay.
###(Justin Gildo)
