Breaking News

Senador Imee sinupalpal ni PBBM

 

Pumalag si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa akusasyon ng kanyang nakatatandang kapatid na si Senador Imee Marcos na mayroong ”group effort” ang administrasyon para arestuhin si dating Pangulong Rodrigo Duterte at pagbagsakin ang mga Duterte.

Sa panayam kay Pangulong Marcos sa Silang Cavite matapos ang graduation rites sa Philippine National Police Academy (PNPA), sinabi nitong hindi siya sang-Ayon sa pahayag ng Senadora.

“Everyone’s entitled to their opinion, I disagree,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Nauna nang sinabi ni Senador Marcos na kabilang sa finding ng Senate foreign relations committee na kanyang pinamumunuan na ang pag-aresto kay dating Pangulong Duterte ay bahagi ng whole of government effort para pabagsakin ang mga Duterte.

Pero ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, hindi na nakakagulat ang pahayag ng Senador na siyang nanguna sa imbestigasyon noong Marcos 11 kaugnay sa pag-aresto sa dating pangulo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *