Breaking News

PBBM may alok na libreng sakay sa MRT, LRT

 

May regalo si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga pasahero ng Metro Rail Transit 3 (MRT 3) at Light Rail Transit (LRT) 1 at 2.

Ayon kay Pangulong Marcos, libreng sakay ang alok sa Abril 30 hanggang Mayo 3.

Sabi ni Pangulong Marcos, pagkilala at parangal ito sa mga mangagawa at bilang pagdiriwang na rin ng Labor Day sa Mayo 1.

“Nais kong sabihin sa lahat ng ating mga commuter ay inutos ko na para magbigay ng ating kaunting parangal sa ating mga manggagawa dito sa ngayon nasa – kasama sa Labor Day Celebration ay maging libre ang sakay sa MRT 3, LRT 1 and 2,” pahayag ni Pangulong Marcos

“Ito ay bilang kaunting pagkilala sa sakripisyo at ang kontribusyon ng ating mga manggagawa hindi lamang sa ating ekonomiya kundi sa ating lipunan. Happy Labor Day!” pahayag ni Pangulomg Marcos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *