Breaking News

PBBM natuwa sa mataas na performance rating

 

Patunay na nauunawan ng publiko ang mga programa ng administrasyon kung kaya mayorya sa mga Filipino ang kuntento sa performance rating ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Pahayag ito ni Pangulong Marcos matapos ang OCTA Research survey na nagpapakitang umabot sa 59 hanggang 60 porsyento ang kanyang performance rating ngayong Abril.

Sa panayam sa Silang, Cavite, sinabi ni Pangulong Marcos na nakatutuwa ang resulta ng survey

Ibig sabihin aniya nito na nauunawaan na ng publiko ang mga programa ng kanyang administrasyon sa nakalipas na halos tatlong taon.

Ayon kay Pangulong Marcos patunay ito ng pag-usad ng mga inisyatibo ng gobyerno para sa kapakanan ng mga mamamayan.

Dagdag pa ni Pangulong Marcos, nagsisilbi itong inspirasyon upang ipagpatuloy at pagbutihin pa ang mga hakbangin ng pamahalaan para sa pagpapabuti ng buhay ng mga Pilipino.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *