Breaking News

Quarrying sa coastal areas pinaiimbestigahan ni PBBM

 

Inatasan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga kinauukulang ahensya na magsagawa ng imbestigasyon sa quarrying sa mga coastal areas sa bansa.

Ginawa ni Pangulong Marcos ang utos matapos iulat ng National Intelligence Coordinating Agency’s (NICA) na ginagamit ang mga buhangin sa coastal areas sa bansa para sa foreign reclamation projects sa West Philippine Sea.

“Matapos makatanggap ng impormasyon patungkol po dito, inutos po ng Pangulo na magkaroon ng masinsinang pag-iimbestiga patungkol dito. At ngayon po ay ongoing ang investigation,” pahayag ni Predential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro.

“Kapagka-nagkaroon na po ng pinal na pag-iimbestiga o konklusyon patungkol po dito, gagawin po ang agarang pag uutos. Ito ay naaayon doon sa maaring maging resulta ng imbestigasyon,” pahayag ni Castro.

Ayon kay Castro, pinatitiyak ni Pangulong Marcos na mananagot sa batas ang mga taong responsable sa quarrying.

“Hindi po pwedeng iwasan ang mga tao. Kung dapat may panagutin, dapat po managot,” pahayag ni Castro.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *